What's on TV

Bianca Umali, naka-relate sa strength ng kanyang karakter sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published July 9, 2021 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, isolated rains to prevail over parts of PH on Wednesday
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali in Legal Wives


Nakaka-relate daw si Bianca Umali sa ipinamalas na lakas ng loob ng kanyang karakter sa 'Legal Wives.'

Humanga at naka-relate si Kapuso actress Bianca Umali sa kanyang karakter sa upcoming family drama series na Legal Wives.

Gaganap si Bianca bilang si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael, na gagampanan naman ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

"Si Farrah kasi, siya talaga 'yung bumaliktad 'yung mundo niya.

"Kung ano 'yung mga mayroon siya dati, kung ano 'yung mga mangyayari sa kanya in the future, sobrang layo at hindi mo aakalain na mangyayari sa kanya. Talagang nagbagong-buhay siya, magbabagong buhay, mag-iiba 'yung buhay niya.

"Nae-excite ako na mapanood ng mga tao 'yung kuwento niya kasi ang ganda at saka punung puno siya ng puso," paliwanag ni Bianca tungkol sa kanyang karakter.

Kahanga-hanga para kay Bianca ang ipinamalas na tatag ng loob ni Farrah sa harap ng lahat ng mga pagsubok nito sa buhay.

"Nakaka-relate ako sa strength niya, sa strength niya of facing the challenges na ibinigay sa kanya. Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya in-expect 'yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin 'yun ng buong puso at hindi siya nawala sa sarili niya," pahayag ng aktres.

Naging hamon daw para kay Bianca ang pagsasalita ng ilang mga Mranaw words na ginamit nila sa serye.

"Pinaghandaan ko din 'yun, 'yung mga mahahabang salita na Mranaw. Actually, palagi akong tumatabi sa consultants namin kasi napaka hirap. Mahirap talaga siya. Mahirap kabisaduhin 'yung Mranaw terms," aniya.

Bukod kina Bianca at Dennis, bahagi din ng Legal Wives sina Alice Dixson at Andrea Torres na gaganap din bilang mga asawa ni Ismael.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

"Mayroon kaming kanya kanya naming mga kulay. You will see that through the details, hindi lang sa damit namin pero sa lahat. Si Farrah ang color niya ay blue. Si Diane which is si Ate Ada (Andrea), ang color niya ay red. And si Amirah naman, si Ms. A (Alice), ang color niya ay yellow," lahad ni Bianca.

"Gusto kong mapanood nila 'yung tatlong kasal kasi sobrang linaw din sa amin 'yung tatlong magkakaibang klase ng pagmamahal," dagdag pa niya.

Abangan dahil malapit nang mapanood ang seryeng Legal Wives sa GMA Telebabad.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.