
Very productive ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix habang nananatili sa kani-kanilang bahay dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa report sa 24 Oras ni Cata Tibayan, naikuwento ng dalawa ang mga pinagkakaabalahan nila habang nasa modified enhanced community quarantine.
Ayon kay Bianca, malaking tulong sa kanya ang pagme-meditate.
Wika niya "I've learned to meditate and I'm still learning. I have never thought na mae-enjoy ko siya. It's as simple as just closing your eyes and thinking of nothing."
Dagdag pa ng Kapuso actress na ang pagdadasal ay naging coping mechanism din para sa kanya.
"Number one is having faith, 'yung pagdadasal, 'yun talaga ang one of my, well actually, number one way of coping."
Proud namang ibinida ni Miguel na nag-aaral siyang mag-play ng cello.
"I learn how to play cello. 'Yun 'yung bago kong pinagkaabalahan ngayon." saad ng aktor.
Present din ang BiGuel sa virtual reunion na #IsmolGathering kagabi, May 24 kung saan muli nilang nakasama ang co-stars sa sitcom na Ismol Family na sina Carla Abellana at Ryan Agoncillo.
Naka-bonding din ng dalawa sina Mikael Daez, Carmi Martin, Pekto, Kevin Santos, Marc Justine Alvarez, Dello at ang foreignay na si Natalia Moon sa naturang live chat sa Kapuso comedy channel na YouLol.