Article Inside Page
Showbiz News
Muling mapapanood ang teen star na si Bianca Umali para magbigay inspirasyon sa nalalapit na pagsisimula ng Niño. Ngunit bago magsimula ang kanilang programa, nagbahagi ang dalaga ng kanyang naging simula sa pag-aartista at ang pagbabalanse ng kanyang pag-aaral.

Muling mapapanood ang teen star na si Bianca Umali para magbigay inspirasyon sa nalalapit na pagsisimula ng
Niño. Ngunit bago magsimula ang kanilang programa, nagbahagi ang dalaga ng kanyang naging simula sa pag-aartista at ang pagbabalanse ng kanyang pag-aaral.
Kuwento ni Bianca, baby pa lamang siya nang magsimula siya sa telebisyon. Ito ay sa pamamagitan ng mga commercials. Para sa kanya ang pinaka-memorable na commercial ay mula sa isang diaper brand noong siya ay 3 taon pa lamang.
Ang pag-aartista ay plano umano ng mga magulang ni Bianca. “Well, actually my parents decided for it. Talagang sila ‘yung nagpasok sa akin. Pinalaki nila ako sa ganitong industry. ‘Yun nga I started doing commercials noong 2 years old hanggang sa nakuha na ko sa kiddie shows,” pahayag ni Bianca.
Hindi nagtagal ay nagustuhan na rin niya umano ang pag-aartista. Saad niya, “nasanay na din ako and this is what my parents wanted for me”.
Pursigido naman ang dalaga hindi lamang sa kanyang career kundi pati rin sa kanyang pag-aaral. Para kay Bianca, posibleng makatapos ng pag-aaral kahit busy ang schedule ng mga artista dahil sa homeschool. Kuwento ni Bianca, “Yun 'yung advantage ng homeschool kasi kumbaga you get to do the school work when you have time”.
Ngunit tulad ng ibang kabataan, nami-miss rin umano niya ang pagpasok sa regular school.
“Kasi iba pa rin yung activities mo in person with classmates and teachers,” pagtatapos ng aktres.
Subaybayan si Bianca Umali sa nalalapit na pagsisimula ng
Niño. Para sa iba pang updates mula kay Bianca Umali at iba pa ninyong mga Kapuso stars, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.
-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com