GMA Logo  Bianca Umali
PHOTO COURTESY: @bianxa (Instagram)
What's Hot

Bianca Umali, paano pinaghahandaan ang upcoming animated film na 'Ella Arcangel'?

By Dianne Mariano
Published June 8, 2026 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Erwin Tulfo to inhibit in Senate Blue Ribbon probe on anomalous flood control projects
DENR-10 ordered to submit status report on XU land probe

Article Inside Page


Showbiz News

 Bianca Umali


Ibinahagi ng Sparkle actress na si Bianca Umali kung paano ang kanyang preparasyon para sa title role sa upcoming film na 'Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.'

Bibigyang-boses ng Sparkle star na si Bianca Umali ang title role sa upcoming GMA Pictures animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.

ibigyang-boses at buhay niya sa naturang pelikula ang title character na si Ella Arcangel. Sa interview ng GMANetwork.com kay Bianca sa naganap na contract renewal niya sa World Vision Philippines kamakailan, ikinuwento niya kung paano pinaghahandaan ang kanyang role.

“'Yung Ella Arcangel, hindi rin siya isang madaling project na gawin because as an actor naman and bilang boses ni Ella, napakalaki ng difference ng acting on TV and acting na boses lang because animation si Ella.

"But kung paano ko siya pinaghandaan is that hindi ako sumalang nang hilaw ako. And so, I really did lock myself in for one whole week and really sat down with a dubbing facilitator, a dubbing actor dito sa Pilipinas, to learn really from scratch lahat ng kung paano ba maging isang dubbing talent,” kwento niya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na susubok si Bianca bilang dubbing artist. Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras noong Mayo, ikinuwento ng aktres na marami siyang nadiskubre sa kanyang sarili sa proyektong ito.

"I guess it's really more being able to discover 'yung weaknesses and strengths ko as an artist. And, I really am looking forward to accepting this project kasi kakaibang journey siya for me. At sobrang ganda nung materyal. I'm excited to bring life and to bring voice into her life," pagbabahagi niya.

Abangan ang Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko, soon sa big screen.

Related gallery: The career milestones of Bianca Umali