What's Hot

Bianca Umali, pinayuhan ang aspiring actors tungkol sa kahalagahan ng pagsali sa acting workshop

By Maine Aquino
Published March 7, 2022 12:41 PM PHT
Updated March 7, 2022 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Alamin ang kuwento ni Bianca Umali tungkol sa kaniyang experience sa pagsali sa acting workshop.

Ibinahagi ni Bianca Umali ang mga natutunan niya sa pagsali sa acting workshops.

Sa video na ipinalabas ng Sparkle sa kanilang YouTube channel, inilahad ni Bianca ang mga aral na kaniyang natutunan at mga experiences na tumatak sa kaniya sa acting workshop.

Pagsisimula ng aktres, "I personally discovered many things about myself throughout the workshop. I discovered 'yung mga feelings na talagang in denial ako. Traits about myself, my personality, na-unlock ko inside the workshop, and also confidence and my growing love for my craft."

Bianca Umali

Photo source: @bianxa

Bilang aktres ay nakararanas siya ng blocks, kaya naman ibinahagi ni Bianca kung paano niya nalagpasan ito.

Kuwento ni Bianca, "I have encountered many many blocks and personally kasi the workshop for me it's not just something that I have to do. "It's something where I know I can discover myself. It's really more of like a therapy for me and that's why I actually love going to workshops."

Inilahad ni Bianca na nagustuhan niya ang pagiging parte ng acting workshop dahil nabibigyan siya ng pagkakataon na mas makilala ang kaniyang sarili.

"I started doing workshops when I was actually 12. I think it was a perfect stage, or it was the perfect time for me to be active in the workshop,” aniya.

Saad pa ng aktres na alam niyang nasa safe environment siya kapag sumasali siya sa acting workshop.

"I am thankful for the workshop because it became my release. It became a sanctuary and I knew it was my safe space."

Para kay Bianca ang memorable part ng pagiging parte ng acting workshop ay ang pagbuo ng magandang relationship sa kaniyang katrabaho at sa ibang tao na kaniyang nakakasalamuha.

Paliwanag ng aktres, "It's the connection and the relationship that I was able to build hindi lang with people na kasama ko sa industriya.”

Nirerekomenda ng isa sa Sparkle's brightest stars of 2022 na sumali ang mga aspiring actors sa acting workshops. Isa sa mga puwede salihan ay ang Sparkle Prime Workshop na pangungunahan ni Ana Feleo ngayong March.

Saad ni Bianca, "I do encourage all of the actors, all of you, to take workshops. It is a learning process and it will make you the best version possible of who you can be. Never stop learning."

Samantala, balikan ang sparkling career milestones ni Bianca sa gallery na ito: