
Umaani ngayon ng papuri mula sa netizens si Bianca Umali dahil sa mahusay na pagganap bilang Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Napapanood na ngayon si Bianca bilang Terra sa Sang'gre kung saan agad na nasaksihan ang bangis niya sa pakikipaglaban. Mahusay rin niyang naipakita ang pagnanais ng kanyang karakter na ipagtanggol ang mga naaapi.
"Masarap sa puso na maganda ang pagtanggap ng mga tao," sabi ni Bianca sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras.
"'Yun naman din po talaga ang goal namin ay makapaghatid ng isang magandang kuwento at mabigyan ng justice ang Encantadia," dagdag niya.
Basahin ang ilan sa papuring natanggap ni Bianca Umali mula sa netizens dito:
Samantala sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, unti-unti nang natutuklasan ni Terra ang kanyang kapangyarihan bilang isang Sang'gre.
Patuloy na subaybayan si Bianca bilang Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: