
May planong magpatayo ng bahay ang aktres na si Bianca Umali.
Sa panayam sa kaniya ng 24 Oras, sinabi ng Sunday Pinasaya star, "'Yung goal ko ngayon is makapagtayo ako ng house, 'tas ililipat ko sila [ang mahal ko sa buhay] lahat."
Ikinuwento rin ni Bianca kung paano niya na-achieve ang kanyang slim waistline.
Aniya, pinagsasabay niya ang high-intensity workout at proper diet.
Dagdag pa niya, "Be happy, iba 'yung results. Hindi lang physically, pati emotionally. Just be happy."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: