
Grateful ang Sang'gre actress na si Bianca Umali dahil hindi lamang siya blessed sa pamilya at love life kundi maging sa malalapit na kaibigan, at isa na rito ang si Barbie Forteza.
Sa interview kay Nelson Canlas para sa 24 Oras, ikinuwento ni Bianca ang friendship na nabuo sa pagitan nila ni Barbie.
"Sa industriya kasi hindi madali na magkaroon ng mga kaibigan," sabi ni Bianca. "Pero sa amin ni Barbie, nagsimula 'yan nu'ng nakapag-Canada kami. Unexpected talaga na nagkasundo kami sa kape, nagkasundo kami sa kung paano kami as totoong Bianca and Barbie off-cam.
"We both also have unique personalities when we're together pero we get along so well na alam din namin kung paano namin suportahan 'yung isa't isa. It's the safe space for the both of us," dagdag niya.
Ayon pa kay Bianca, girl crush nila ni Barbie ang isa't isa. Sinabi rin ni Bianca ang mga hinahangaang katangian ni Barbie.
"What inspires me the most about Barbie is the confidence that she has for herself. The love and the respect that she has for herself is undeniably a gift," ani Bianca.
BALIKAN ANG ILANG BONDING MOMENTS NINA BIANCA UMALI AT BARBIE FORTEZA SA CANADA SA GALLERY NA ITO: