GMA Logo Encantadia Chronicles: Sang'gre actress Glaiza De Castro and Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali sa pagkikita nina Pirena at Terra: 'Ito na 'yung tinatawag naming ashti-hadiya duo'

By Aimee Anoc
Published August 20, 2025 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH athletes, officials raise concerns over alleged irregularities at 2025 SEA Games
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles: Sang'gre actress Glaiza De Castro and Bianca Umali


Ngayong nagkita na sina Sang'gre Pirena at Terra sa mundo ng mga tao, mas exciting at intense episodes pa ang dapat na abangan ayon pa kay Bianca Umali!

Bigo mang mabawi ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) kay Olgana (Bianca Manalo) ang Brilyante ng Apoy ay nakita naman na niya ang kanyang hadiya (pamangkin) na si Terra (Bianca Umali) sa mundo ng mga tao.

Maraming manonood ang natuwa na sa wakas ay nagkita na sina Pirena at Terra, at nasabi na rin ni Pirena kay Terra ang malaking tungkulin nito bilang isang Sang'gre sa Encantadia.

Sa interview ni Aubrey Carampel ng 24 Oras, ipinarating ni Bianca kung gaano siya natutuwa sa mga natatanggap na reaksyon mula sa Encantadiks.

Dagdag niya, ngayong nagkita na sila ng kanyang Ashti Pirena sa Sang'gre, mas exciting at intense episodes pa ang dapat na abangan.

"Ito na 'yung tinatawag namin na ashti and hadiya duo," sabi ni Bianca.

"'Yung journey ni Terra kasama si Pirena kasi sobrang minahal din namin. At na-enjoy namin ni Ate Glaiza 'yung pagte-taping namin, kung ano 'yung arc naming dalawa sa istoryang 'to. At malaking factor si Pirena sa buhay ni Terra, kaya 'yon ang dapat n'yong abangan."

Nagbigay rin ng reaksyon si Bianca sa eksena kung saan sinabi na ni Pirena ang malaking tungkulin ni Terra sa Encantadia.

"Wala naman talaga sa isip niya [na] taga ibang mundo siya. Ang isip at pakialam lang naman ni Terra ay gusto lang n'yang makatulong, 'yun lang. Pero hindi niya na-realize kung gaano pala kabigat at kung gaano kalaki na hindi lang pala mga tao ang tutulungan niya, kundi isa pang buong mundo," ani Bianca.

Patuloy na subaybayan si Bianca Umali bilang Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: