GMA Logo Bianca Umali
Source: bianxa (Instagram)
What's on TV

Bianca Umali sa pangungulila sa magulang: 'It's not scary for me to die, kasi makikita ko sila ulit'

By Jimboy Napoles
Published March 8, 2023 6:21 PM PHT
Updated March 8, 2023 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Hindi alam ng marami na bata pa lamang ay naulila na sa mga magulang si Bianca Umali.

Inamin ng Kapuso actress na si Bianca Umali sa TV host na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda na nagbago ang kanyang pananaw pagdating sa kamatayan dahil sa kanyang pangungulila sa kanyang ama at ina namatay noong bata pa lamang siya.

Lingid sa kaalaman ng publiko na limang taong gulang pa lamang si Bianca nang mamatay ang kanyang ina dahil sa cancer. Limang taon matapos pumanaw ang kanyang ina ay sumunod namang namaalam ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso. Aminado si Bianca na noong bata pa siya ay hindi niya pa ramdam ang pangungulila sa mga magulang.

Aniya, “Noong bata po kasi ako, wala pa naman po akong naiintindihan, so I did not know the gravity ng sitwasyon kung nasaan ako na I was losing both of my parents. Kapag umiiyak ang ibang tao umiiyak ako, kapag masaya ang ibang tao masaya ako.”

Pero ayon sa aktres, habang siya ay lumalaki, dito na unti-unti niyang nararamdaman ang sakit na maulila sa ina at ama.

Kuwento niya, “Ngayon na tumatanda ako, habang lumilinaw ang pag-iisip ko at nakikita ko ang realidad ng mundo, every year that I get old, mas nagiging raw or fresh sa akin na wala akong mommy at daddy.

“Siguro nakukuha or nagagawa ko 'yung mga bagay na dapat itinuturo sa akin, or dapat may kasama ako na gawin, but I don't have them beside me.”

Nagpapasalamat naman si Bianca dahil hindi siya pinabayaan ng kanyang lola na nagmamahal at nagpalaki sa kanya.

“I actually say this a million times na talagang 'yung buong buhay ko, 'yung buong ako, I owe it to my lola,” ani Bianca.

Matapos ang kanyang paglalahad, muling nagtanong si Boy kay Bianca, “Dahil sa karanasan kay mom at dad, natatakot ka sa death?”

Makahulugan naman ang naging sagot dito ni Bianca. Aniya, “I used to be afraid of death. But now, thinking of it that you asked me, I think it's not scary for me to die, kasi makikita ko sila ulit. I know that they will be with me holding my hand when I go through it.”

Matapos ito, nagbigay din ng mensahe si Bianca sa kaniyang mga yumaong magulang.

“I have been making it and I hope that I make you proud. Mommy and daddy, alam ko na araw-araw nakikita niyo ako, alam ko na hindi ako perpektong anak all the time but I try my best. I hope I make you proud, lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa inyo, para sa Ama at para kay mama.' I dedicate everything to them,” sabi ng aktres.

Samantala, abangan naman si Bianca at kanyang boyfriend na si Ruru Madrid sa kanilang first-ever series together na The Write One na isa sa mga biggest collaboration ng GMA Network at ng Viu Philippines.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG FIERCE LOOKS NI BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO: