GMA Logo bianca umali on regal studio presents
What's on TV

Bianca Umali, tatlo ang leading men sa 'Regal Studio Presents: The Signs'

By Bianca Geli
Published October 6, 2021 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bianca umali on regal studio presents


Panoorin si Bianca Umali sa 'Regal Studio Presents: The Signs' ngayong October 10!

Ngayong Linggo, isang mala-Korean romcom ang tiyak na magpapakilig sa inyo. Tampok si Bianca Umali bilang isang babaeng naghahanap ng mga signs na magtuturo sa kanyang "the one" sa Regal Studio Presents: The Signs.

Kwento ni Bianca sa isang GMANetwork.com interview, "I'm very excited for this episode. This is my first time na talo ang aking leading men. Kakaibang atake kasi comedy-drama na mala-K-drama. Masaya po 'yung buong episode.

Mapapanood sa "The Signs" si Bianca Umali bilang si Moira, na isang hopeless romantic.

Ayon sa Kapuso actress, tiyak na maraming makaka-relate sa karakter niyang "desperada sa pagmamahal."

Makakatambal ni Bianca sina Carlo San Juan, Prince Carlos, at Gab Moreno sa Regal Studio Presents: The Signs ngayong Linggo, October 10.

Saad ni Bianca, "nakakahaba ng hair" ang pagkakaroon ng tatlong leading men, lalo na't nasanay siya na may kaagaw sa onscreen partner dahil sa role niya bilang Farrah sa Legal Wives.

"Nakita ko 'yung effort at dedication nila, so natutuwa ako," sabi ng dalagang aktres.

"Hindi ako sanay kasi it's either isa lang 'yung leading men ko, or isa [ako] sa mga umiikot na leading women katulad sa Legal Wives. Nakakatuwa kasi iba-iba talaga sila ng character, na-enjoy ko rin, and gina-guide ko rin sila. Feeling ko ang haba haba ng hair ko."

Pagdating naman sa signs o paghingi ng senyales bago gumawa ng desisyon, may ibinahagi si Bianca kung paano niya ito pinaniniwalaan.

"I think depende sa sitwasyon, sometimes I believe in signs, sometimes I don't. Minsan baka masyado ko binabase sa signs at nabubulag ako sa kung ano ang dapat maging desisyon ko.Sometimes naniniwala ako kasi minsan kapag humihingi ako ng signs nakikita ko agad. Pero minsan kapag humihingi ako ng signs wala talagang binibigay.

Isang bagay na natutunan ni Bianca sa "The Signs" ay ang pagkakaroon ng paninindigan sa mga sariling desisyon sa buhay.

Ani Bianca, "I think, for me, ang natutunan ko sa episode na ito, you write your own story. Signs don't write your story, ikaw mismo ang magsusulat ng sarili mong story."

Panoorin ang Regal Studio Presents: The Signs ngayong Linggo, October 10, 4:35 pm sa GMA.

Samantala, tingnan ang transformation ng dating child star dito: