
Sinuklian ni Bianca Umali ng isa ring tula ang handog sa kanya ni Ruru Madrid para sa kanilang ikapitong anibersaryo
Sa kanyang tula, ipinarating ni Bianca kung paano nabago ni Ruru ang kanyang mundo. Puno rin ito ng pagmamahal at tiniyak na "kahit ilang taon pa" ang lumipas ay siya rin ang kanyang "pipiliin."
"Pitong taon na… pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag kung paano mo nagawang baguhin ang mundo ko ng ganito.
"Sa bawat umaga, ikaw ang aking liwanag.
"Sa bawat gabi, ikaw ang panalangin sa aking puso.
"Hindi ko alam kung anong hiwaga ang meron ka, pero sa 'yo ko natagpuan ang kapayapaan sa gitna ng gulo, at ang saya sa gitna ng lungkot.
"Ang dami na nating pinagdaanan--mga gabing puro iyak, mga araw na puro tawa, at lahat ng kwento sa pagitan…
"Pitong taon ng paghawak sa isa't isa, ng pagtawid sa unos at pagdiriwang sa ginhawa.
"Ngayon, bukas, at sa lahat ng panahon.
kahit ilang taon pa… ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko," sulat ni Bianca.
Nagpasalamat din ang aktres kay Ruru sa kanilang pitong taong relasyon na "puno ng pag-ibig."
"Mahal, salamat sa pitong taong puno ng pag-ibig na higit pa sa kayang isalaysay ng kahit anong tula.
"Pitong taon pa lang 'to, pero parang habambuhay na kitang mahal.
"Sayo lang ang tingin, Jose Ezekiel," pagtatapos ng kanyang tula.
Samantala, ilang celebrities naman ang kinilig sa tulang ito ni Bianca para kay Ruru.
Happy 7th anniversary, Ruru and Bianca!
SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO: