What's Hot

Bibihagin ni Doc Thomas ang puso niyo sa 'I Heart You Doc'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 6:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Cebu City logs 50 road accidents since start of 2026
PHIVOLCS: Minor strombolian activity on Day 100 of Mayon’s effusive eruption

Article Inside Page


Showbiz News



Malapit na ninyong makilala ang mabait at gwapong doktor na si Thomas Park.


Simpleng buhay lang naman ang gusto ni Thomas Park. 

Bilang isang doktor, masaya na siya sa kawanggawang ibinibigay niya sa isang simpleng ospital sa probinsya. 

Magbabago ang buhay niya nang lapitan siya ng Gwang Hye University Hospital, isa sa mga premyadong ospital sa Korea, para sumama sa grupo ng mga espesyalistang binubuo nila.

Hindi niya kailanman pinangarap magtrabaho sa isang malaking ospital sa siyudad dahil naniniwala siyang ang maayos na serbisyong medikal ay para sa lahat, mayaman man o mahirap. Pero may alinlangan man, tatanggapin ni Thomas ang alok kapalit ng libreng panggagamot sa isang batang taga-isla na matagal na niyang tinutulungan. 

Sa Gwang Hye, makikilala niya ang dalawang mapusok na babae at kapwa doktor na magpapatibok ng puso niya, sina Julienne Seo at Arianne Choi. 

Sa kabila ng kanyang mga pagkakawanggawa at focus sa trabaho, may oras pa ba sa pag-ibig ang butihing doktor?

Ang Korean Wave star na si Kwon Sang-woo ang gaganap bilang doctor with a heart na si Thomas Park. 

Makakasama niya dito ang iba pang top Korean stars tulad nina Jung Ryeo-won, Ju Ji-hoon, Oh Yeon-seo at Choi Minho. 

Abangan ang I Heart You Doc, weekday mornings, simula June 1 sa GMA Heart of Asia!