What's on TV

Bicolano-Igorot chef JR Royol, tampok sa cooking show na 'Farm to Table'

By Dianara Alegre
Published February 5, 2021 11:43 AM PHT
Updated February 17, 2021 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Chef JR Royol


Chef JR Royol sa publiko: “Samahan n'yo po kami na maglakbay, magtanim, mag-harvest, at magluto ng mga putahe gamit ang mga ingredients na makikita natin at maso-source natin locally.”

Mapanonood na ngayong February ang bagong cooking show na Farm to Table sa GMA News TV.

Tampok dito ang si celebrity chef JR Royol na hindi lang magbabahagi ng masasarap na putahe at iba't ibang cooking techniques, dahil dadayuhin niya ang iba't ibang lugar sa bansa para kumuha ng fresh ingredients at ipakita ang proseso bago ito lutuin at ihain sa hapag-kainan.

“Samahan n'yo po kami na maglakbay, magtanim, mag-harvest, at magluto ng mga putahe gamit ang mga ingredients na makikita natin at maso-source natin locally,” lahad ni Chef JR.

Layunin din ni Chef JR at ng show na hikayatin ang viewers na magtanim sa kani-kanilang mga tahanan.

“Nakita na natin sa sitwasyon natin ngayon ang importansiya ng pagkakaroon ng access sa masusustansiya, fresh…'yung ganung mga factor lang is sobrang critical sa kalusugan natin,” aniya.

Si Chef JR, isang Bicolano at Igorot, ay nagtrabaho bilang executive chef sa isang hotel sa Tagaytay at grand winner ng isang reality cooking show.

Abangan si Chef JR Royol sa Farm to Table simula ngayong February sa GMA News TV.

Samantala, bubusugin din ng mga bagong Kapuso stars na sina Jamir Zabarte at Zonia Mejia sa kilig ang viewers sa nalalapit nilang pagtatambal sa series na Heartful Café na pagbibidahan ni Julie Anne San Jose.

Bukod dito, bahagi rin ang bagong love team sa original soundtrack ng serye.

Source: jamirzabarte (Instagram), itszonia (Instagram)

“Sobrang na-excite ako nung nalaman ko na may recording ako kasama ko si Jamir kasi at last ito na makikita ko na si Jamir,” kwento ni Zonia nang makapanayam ng 24 Oras.

Sabi naman ni Jamir, “Mabait si Zonia tsaka masayahin lang talaga. Masarap siyang kasama, masaya siyang kasama. Tapos ayun…maganda ganun.”

Ayon sa dalawa, ngayon pa lang ay puspusan na ang kanilang paghahanda para sa nalalapit nilang lock-in taping.

“Sinisipagan ko po talaga kasi naniniwala po ako sa law of attraction. Kapag gusto mo talaga ang isang bagay at naniniwala ka na makakaya mo siya, ibabalik sa 'yo ng universe 'yan,” sabi ni Jamir.

Sa kanyang kalusugan naman naka-focus si Zonia.

“Nire-ready din po namin 'yung sarili namin hindi lang po 'yung characters namin. 'Yung sarili din po namin na maging healthy po kami,” aniya.