GMA Logo Joshua Bulot
Source: Joshua Bulot Official
What's on TV

'Bida Next' contestant sa 'Eat Bulaga,' bagong vocalist ng bandang Lily

By Jimboy Napoles
Published September 29, 2022 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of rare sun temple discovered in Egypt - ministry
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Bulot


Kilalanin si "Bida Next" contestant Joshua Bulot, ang bagong frontman ng bandang Lily.

May bagong vocalist na ang dating banda ng singer-actor na si Kean Cipriano na Callalily na ngayon ay may bago ring pangalan na Lily.

Ito ay ang singer at stage actor na si Joshua Camacho Bulot mula sa Antipolo City na isa rin sa mapalad na contestant ng bagong segment ng Eat Bulaga na "Bida Next."

Matapos ang ilang buwang paghahanap ng bagong bokalista, inanunsyo ng OPM band na Lily na nahanap na nila ang bagong frontman matapos ang naging "disengagement" sa kanila ng dating lead vocalist na si Kean.

Si Joshua ay dating miyembro ng OPM band na JBK, kasama sina Bryan Del Rosario at Kim Ordonio na unang nakilala sa programang X-Factor UK pero nagdesisyon silang mag-disband nang magkaroon ng pandemya.

Bukod naman sa pagiging singer, kasama rin si Joshua sa cast ng Pinoy hit musical na Rak of Aegis bilang ang bangkerong si Tolits.

Bumida naman si Joshua noong August 24 sa segment ng GMA noontime show na "Bida Next" na isang audition o search para sa next dabarkads host at mapalad naman siyang nakapasok sa next call.

Kuwento ni Joshua, iniidolo nila ng dating mga kabanda ang iconic trio ng industriya na Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ kung kaya't minabuti niya na siya na ang tumupad ng pangarap nila na maging host ng Eat Bulaga.

Aniya, "Isa po ito sa mga pangarap namin kasi idol talaga namin ang TVJ [Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon] so kumbaga ako na lang ang tutupad ng mga pangarap namin para maging host ng Eat Bulaga kasi gustong-gusto talaga namin 'yung kumakanta, nagho-host, at acting katulad po ng TVJ."

Panoorin ang naging audition ni Joshua sa naturang segment sa video na ito:

ALAMIN NAMAN KUNG SINONG MGA CELEBRITY ANG NAG-AUDITION SA "BIDA NEXT" SA GALLERY NA ITO: