GMA Logo Eat Bulaga, Bida Next
What's on TV

'Bida Next' Top 5 ng 'Eat Bulaga,' ipinakilala na!

By Jimboy Napoles
Published January 8, 2023 4:05 PM PHT
Updated January 8, 2023 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Eat Bulaga, Bida Next


Kilalanin ang limang 'Bida Next' contestant na may tiyansang maging susunod na 'Eat Bulaga' dabarkads, DITO:

Mula sa daan-daang nag-auditions para maging susunod na Eat Bulaga host, napili na ang limang “Bida Next” contestant na magpapatuloy sa naturang kompetisyon, sa episode nito kahapon, Sabado, July 7.

Kabilang sa top 5 ay ang bidang vlogger-actor ng Rizal na si Kimpoy Feliciano, bidang singer ng Cebu na si Carren Eistrup, bidang singer-songwriter ng Cavite na si Sheena Palad, bidang TikToker ng Cavite na si Miles Seno, at bidang fashionista ng Cebu na si Clare Inso.

Isang post na ibinahagi ni Eat Bulaga (@eatbulaga1979)


Ang original hosts ng nasabing game show na sina Tito at Vic Sotto ang mismong nag-anunsyo ng mga pangalan ng top 5 EB dabarkads aspirants.

Nagpasalamat naman ang lima sa oportunidad na ibinigay sa kanila ng Eat Bulaga upang matupad ang kanilang pangarap na maging dabarkads.

Ang bidang YouTuber ng Rizal na si Kimpoy, ibinahagi ang kanyang mensahe para sa noontime show at sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

Aniya, “Maraming-maraming salamat po, Eat Bulaga. Gusto ko pong maging EB dabarkads dahil alam ko na sa Eat Bulaga ay magagawa ko pong magbago ng buhay ng ibang tao habang nababago rin ang buhay ko. Gusto ko pong maging inspirasyon sa inyong lahat dahil sa Eat Bulaga, panalo ang may pangarap.”

Panoorin ang Bida Next top 5 reveal sa video na sa ibaba.


Samantala, may pag-asa pang ma-save ang "Bida Next" contestant na bigong makapasok ngayon sa top 5 kaya naman tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Bisitahin din ang GMANetwork.com at ang social media accounts ng Eat Bulaga para sa iba pang updates.

KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAG-AUDITION SA “BIDA NEXT” SA GALLERY NA ITO: