Article Inside Page
Showbiz News
For Kapuso young star Joyce Ching, mas exciting maging kontrabida.
By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Isa sa pinaka-effective na
kontrabida among the young stars in showbiz today ay si Joyce Ching.
Sino ba ang makakalimot sa suspense program na Dormitoryo kung saan she played the character of Airiz.
Nakasama niya rito sina Overtime star Lauren Young, Enzo Pineda, Wyn Marquez at Ruru Madrid. Sa naturang show, isang killer ang pumapatay sa mga estudyante na nakatira sa isang dorm. Sa huling episode it was revealed that Airiz was the killer.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso actress, tinanong namin siya kung bakit ang mga Pinoy ay fascinated sa mga kontrabida. Aniya, “Siguro kasi mas masaya ang show 'pag may kontrabida, may conflict.”
“Parang mas doon ka nae-excite, hinihintay mo kung ano ang gagawin ng kontrabida, tsaka 'pag kumilos na kasi yung kontrabida doon ka pa lang mag-iisip kung ano ang gagawing step ng bida.”
Joyce revealed na sina Cherrie Gil at Sunshine Dizon ang tinuturing niya na pinakamagagaling na kontrabida sa mundo ng showbiz.
Kuwento nito super lakas daw ng dating ni Ms. Cherrie Gil, while si Sunshine naman daw ay napaka-versatile as an actress.
“Cherrie Gil. Lalayo pa ba tayo. Tsaka si Ms. Sunshine [Dizon] gusto ko siyang kontrabida.”
“Si Ms. Cherrie Gil po kasi parang makikita pa lang siya, feeling ko po makasalubong ko pa lang siya sa GMA takot ka na agad ganun. Tapos si Ms. Sunshine naman gusto ko siya kasi sobrang effective niya kontrabida. Tapos kapag pinagbida siya sobrang effective niya rin kaya natutuwa po ako sa kanya,” dagdag ng dalaga.
Ayon din sa Kapuso actress kung papipiliin siya ng role na gagawin, mas gusto raw niya na bida at kontrabida.
“Both. Bida and kontrabida. Kasi po ayaw ko kasi ng bida na sobrang bait yung gusto kong bida yung lumalaban, parang true to life na 'pag inaway mo ng sagad-sagad nauubos din yung pasensya yung lumalaban talaga.''