
Ang Bahay Ni Kuya o ang Pinoy Big Brother house ang pinakasikat na bahay sa bansa para sa maraming Filipino fans, viewers, at maging sa mga nanirahan dito.
Kasalukuyang pinag-uusapan sa social media ang iconic house kasunod ng naging pahayag ng Pinoy Big Brother Supervising Producer at Business Unit Head na si Marcus Vinuya sa recent podcast interview ni Bianca Gonzalez sa kanya.
Ayon kay Marcus, mayroon na talagang plano na ilipat ang Big Brother House sa ibang address o location ngunit sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng PBB Team ang tungkol dito.
Pahayag at paglilinaw niya, “There are definitely plans to move, but it's something na we're still exploring and still studying. But again, it might be sooner than you think.”
“We will cross the bridge when we get there. But that will be a very nostalgic moment if it happens,” dagdag pa ni Marcus.
Ang latest edition na nasaksihan sa loob ng Bahay Ni Kuya ay ang ikalawang collaboration ng GMA at ABS-CBN- ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Dito ay nagsama-sama ang dalawampung Kabataang Pinoy housemates, kung saan mas naipakilala nila ang kanilang mga sarili kasabay ng kanilang pagpapakatotoo sa loob ng iconic house.
Sina Caprice Cayetano (Sparkle) at Lella Ford (Star Magic) ang itinanghal na Kapuso at Kapamilya Big Winners sa recently concluded season.
Naging parte rin ng collab sina Anton Vinzon, Ashley Sarmiento (Kapuso Third Big Placer), Heath Jornales (Kapuso Second Big Placer), Clifford, Lee Victor, Princess Aliyah (Kapuso Fourth Big Placer), Marco Masa (Wildcard housemate), Sofia Pablo, at Waynona Collings.
Nakasama rin nila sa loob ng Bahay ni Kuya ang Star Magic artists na sina Fred Moser, Iñigo Jose, Carmelle Collado, Eliza Borromeo, Joaquin Arce (Kapamilya Third Big Placer), Krystal Mejes (Kapamilya Second Big Placer), Reich Alim, Miguel Vergara (Kapamilya Fourth Big Placer), at Rave Victoria.