
Mayroong exciting update mula kay Big Brother ngayong Lunes, September 29.
Isang big 2.0 announcement ang dapat abangan sa GMA news program na 24 Oras.
Dito ay ilalahad ang ilang detalye tungkol sa bagong sorpresa na talaga namang hindi dapat palampasin ng Pinoy viewers at fans.
Ayon sa caption ng bagong post na makikita sa Facebook page ng Pinoy Big Brother, “To-two-oh na nga! Big 2.0 announcement! Mamaya na sa 24 Oras, 6:30 p.m..”
Matatandaang noong nakaraang linggo, may paramdam si Kuya sa social media pages ng reality show.
Ano nga kaya ang paparating?
Abangan ang susunod na updates na ibabahagi ni Kuya tungkol sa bagong mga mangyayari sa kanyang iconic house.
Related gallery: Bonding moments ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' housemates sa outside world