
Tonight is the night dahil malalaman na natin kung sino ang tatanghaling Big Winner Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Pero ngayong umaga pa lang, mainit na pinag-uusapan na ang mangyayari sa Big Night mamaya.
Sa social media site na X (formerly Twitter), trending na ang duo nina Charlie Fleming at Esnyr (ChaRes) at Ralph De Leon at Will Ashley (RaWi).
Maingay din ang tambalan nina AZ Martinez at River Joseph (AZVer); at Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa).
Ang magwawaging duo sa Big Night ay mag-uuwi ng grand cash prize na PhP 1 million each.
Tutukan ang Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mamayang 9:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga nangyayari ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
RELATED CONTENT: