
Patuloy na pinag-uusapan ang BreKa, ang tandem nina Brent Manalo at Mika Salamanca na itinanghal na Big Winner Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Matapos ang Big Night, sunod-sunod ang guestings ng BreKa at sa pag-upo nila sa GMA Integrated News Interviews, ibinahagi nila ang ilang realizations nila noong nasa loob pa sila ng Bahay Ni Kuya.
Sa “Chika Minute” report sa 24 Oras, ipinasilip ang naging panayam ni Nelson Canlas sa Big Winner Duo para sa GMA Integrated News.
Ayon kay Mika, isa sa mga na-discover niya sa kanyang sarili ay ang pagiging sensitive niya.
“I'm a highly sensitive person po talaga… kasi sa labas, sa pamilya ko po, sa mga kaibigan ko, kailangan ako po 'yung malakas,” pahayag niya.
Dagdag pa ng Sparkle star, “Kaya po pala na maging sensitive at the same time strong 'yung personality mo.”
Si Brent naman, tila na-heal ang younger self sa pagpapakilala ng kanyang sarili bilang isang housemate.
Sabi niya, “'Yung pagiging introvert ko sobrang nag-struggle talaga ako kasi kailangan ma-gets ka ng mga tao. Kung wala kang pinapakita, paano ka nila maiintindihan?”
“I'm doing this for my younger self. Ang daming times na noong bata ako nami-misunderstood talaga ako na kasi nga po dahil tahimik ako. The way I present myself na sobrang self-secured, nate-take siya as pagkayabang,” pahabol pa ng Star Magic artist.
Samantala, sina Brent at Mika ang final duo sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Nakilala sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Gentle-linong Heartthrob ng Tarlac at Controversial Ca-babe-len ng Pampanga.
Napanood ang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Balikan ang moments ng housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.