What's Hot

Biggest scandals in 2009, hinimay ng Tweetbiz!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 24, 2020 12:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Tweetbiz: Isa-Isang hinimay, pinagdebatehan at pinag-usapan sa Tweetbiz ang mga malalaking pangyayari at iskandalong bumulabog sa showbiz sa taong 2009.
Isa-Isang hinimay, pinagdebatehan at pinag-usapan sa Tweetbiz ang mga malalaking pangyayari at iskandalong bumulabog sa showbiz sa taong 2009. starsNaging masaya at mainit ang chikahan ng ating Tweetbiz resident tweetmosos at paparazzi dahil sa iilang kontrobersiyal na isyu tulad ng naging awayan nila Marian Rivera at ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes na si Karylle. Sino ang makakalimot sa pag-iyak ni Marian sa presscon ng “Desperadas” dahil sa matalinghagang pagngiti lang ni Kaylle nang tanungin ito kung totoong buntis si Marian sa isang show sa kabilang istasyon? Nagkaroon ng sagutan sa mga kapwa nila interview ang dalawang aktres at naipit sa tila dalawang nag-uumpugang bato na ito si Dingdong. Malaking isyu din na maituturing ang kontrobersiya sa pagitan ni Rosanna Roces at ng pamilya Revilla. Hindi matapos-tapos ang gulo ng dalawang pamilyang ito dahil sa pag-aagawan nila ng kustodiya sa apong si Gab. Sinasabing bad influence daw si Osang sa kanyang apo dahil kung anu-anong kabastusan daw ang natutunan ng bata kung kaya’t minabuting kunin na ito ng pamilya Revilla sa pangunguna ng mag-asawang Senador Bong Revilla at Lani Mercado. Nagbabanta naman diumano itong si Osang na “dadanak ng dugo pag hindi ibinigay sa kanya ang bata.” Ngunit sinabi ng mga Revilla na may karapatan sila sa kanilang apo dahil mismong ang ina ng bata na si Grace daw ang nagbigay ng written permission kay Jolo Revilla para mapunta sa kanila si Gab. Nagsanga-sanga pa ang mainit na isyung ito nang na-involved dito ang present girlfriend ni Jolo na si Lovi Poe na diumano’y tinaray-tarayan daw si Osang sa isang taping. Hindi naman nakaligtas mula sa mga mapanuring mata ng Tweetbiz ang mga artistang nabago ang mukha at hubog ng katawan dahil sa pagpapa-retoke. Isa-isang pinag-usapan ang mga “before and after” look ng mga artistang nakitaan ng pagbabago dahil diumano sa pagsasailalim sa operasyon. Iilan sa mga kinumpara sa kanyang hitsura noon at hitsura ngayon ay sina Concert Queen Pops Fernandez, Katrina Halili, Jonalyn Viray, Ethel Booba, Dra. Vicki Belo at Selina Sevilla na nakausap pa ng Tweetbiz at sumumpang di na muli magpapa-retoke dahil sa trauma niya mula nang pumalpak daw ang pag-retoke sa kanyang puwet.--Tweetbiz TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.