
Panoorin ang #RunningManChallenge video ng BiGuel.
Huling linggo na ng Wish I May at ibinunyag na sa kuwento na magkapatid sina Tristan at Carina.
"'Di po natin alam kung mababago pa 'yun [at] kung ano po ba ang magiging ending ng relasyon ni Tristan and Carina," ani Kapuso star Miguel Tanfelix.
Dahil nalalapit na ang pagtatapos ng kanilang GMA Afternoon Prime soap, marami pang rebelasyon ang malalaman ng mga manonood.
Ayon sa young actress na si Bianca Umali, "Maraming-marami po talaga and I think dapat i-expect ng audience namin is mixed emotions.”
Samantala, dinala ng teen stars sa Unang Hirit ang patok na dance craze, ang Running Man Challenge.
MORE ON BIGUEL:
Bianca Umali and Miguel Tanfelix lip sync to "As Long As You Love Me"
BiGuel, may pet name sa isa’t isa?