Super romantic ang plano nina Miguel at Ruru para sa kani-kanilang love team.
By AEDRIANNE ACAR
Valentine’s day is just days away!
Kung tatanungin ang mga Kapuso tween royalties na sina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid, saan kaya nila ide-date ang kanilang mga special someone?
Para sa Ismol Family mainstay at Once Upon A Kiss actor na si Miguel, plano raw niya dalhin ang kapareha na si Bianca Umali sa isang out-of-town adventure basta hindi sila busy sa kani-kanilang mga showbiz commitments.
Saad ni Miguel, “Adventure pero hindi nawawala pa rin 'yung pagka-romantic, ‘yung pagiging ‘yung essence ng Valentine’s [day].”
Samantala, ang My Destiny star naman na si Ruru Madrid isang simpleng dinner date raw ang hinahanda para sa Kapuso sweetheart na si Gabbi Garcia.
“Kain lang kami sa labas. Kasi si Gab sobrang simple lang niya. As in ayaw niya ng mga enggrandeng handaan. Magre-rent ako ng banda. Ganyan kasi si Gab mahilig siya sa music.”
Nagbigay rin si Ruru ng ilang dating tips para mas maging memorable ang inyong date sa February 14.
Aniya, “Ang tip ko lang siguro mas maging natural lang kumbaga just be yourself.”