What's on TV

'Bilangin ang Bituin sa Langit,' balik telebisyon na sa December 7

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 20, 2020 8:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP starts implementing arrest warrant vs Atong Ang, others
'Tigkiliwi' joins prestigious Fantasporto 2026 film festival in Portugal
Byron Garcia's plaint vs Cebu guv in alleged SWAT uniform junked

Article Inside Page


Showbiz News

Bilangin ang Bituin sa Langit


Bago mapanood ang all-new episodes ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit,' balikan muna ang mga episode na kinasabikan kinainisan at nagbigay kilig sa ating lahat.

Hindi n'yo ba nasimulan ang Bilangin ang Bituin sa Langit? O may nalampasan kayong mga maiinit na eksena?

Huwag mag-alala dahil simula December 7, mapapanood n'yo nang muli ang mga eksena na kinasabikan kinainisan at nagbigay kilig sa ating lahat sa GMA Afternoon Prime.

Pinangungunahan ng nag-iisang Superstar ng Pilipinas na si Ms. Nora Aunor, bilang ina ni Nolie na si Cedes, ito ay ang TV adapdation ng pelikulang Bilangin ang Bituin sa Langit na pinagbidahan niya noong 1980s kasama si Tirso Cruz III.

Sa pelikula, ginampanan ng Superstar ang role ng mag-inang Noli Dela Cruz at Maggie Zulueta, na binibigyang buhay naman ngayon nina Mylene Dizon at Kyline Alcantara sa TV adaptation.

Dahil sa COVID-19 pandemic, natigil ang produksyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit noong March. Matapos ang ilang buwang quarantine, sama-samang hinarap ng mga bida nitong sina Ms Nora, Mylene, at Kyline ang "new normal" nang magkaroon sila ng 'lock-in taping' sa San Mateo, Rizal.

Kasama rin nila sa taping sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Yasser Marta, Candy Pangilinan, Isabel Rivas, at Divina Valencia, na nauna nang napanood noon. May mga bagong character din na aabangan sa all-new episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit tulad nina Carlos Agassi at Joel Palencia.

Yasser Marta Zoren Legaspi Carlos Agassi at Joel Palencia sa Bilangin ang Bituin sa Langit

Siguradong aabangan ang mga karakter nina Carlos Agassi at Joel Palenica sa pagbabalik ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit.' / Source: carlosagassi


Huwag palampasin ang pagbabalik telebisyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit simula December 7, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.