GMA Logo Mylene Dizon and Zoren Legaspi in Bilangin ang Bituin sa Langit
What's on TV

Bilangin ang Bituin sa Langit: Happy ever after nina Nolie at Ansel | Week 16 (Finale)

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 29, 2021 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Mylene Dizon and Zoren Legaspi in Bilangin ang Bituin sa Langit


Pinatunayan nina Nolie at Ansel na may happy ever after para sa mga taong nagmamahalan!

Sa huling linggo ng Bilangin ang Bituin sa Langit, naging masaya rin sina Nolie (Mylene Dizon) at Ansel (Zoren Legaspi) sa huli.

Nag-file na ng annulment si Ansel sa kanyang asawang si Margaux (Ina Feleo) dahil sa panlolokong ginawa nito sa kanya.

Hindi naman sinuportahan ng ina ni Ansel na si Martina (Isabel Rivas) ang pakikipaghiwalay nito kay Margaux.

Samantala, nakita ni Margaux na tinatago lang ni Nolie ang kanyang inang si Cedes. Dahil dito, sumugod sa bahay ni Nolie si Martina at binaril niya si Cedes.

Bukod kay Cedes, nabaril din si Martina kaya isinugod ito sa ospital. Habang nagpapagaling, inamin na niya kay Ansel na siya ang nagpapatay sa ama ni Nolie.

Nakipaghiwalay na rin si Nolie sa kanyang boyfriend na si Arturo dahil mahal pa rin niya si Ansel.

Dahil sa obsession ni Arturo, tinangka niyang patayin si Ansel.

Sa dulo, matapos ang matagal na panahon, sina Nolie at Ansel pa rin ang nagkatuluyan.

Sa ilalim ng mga bituin sa langit, tinanggap ni Nolie ang proposal ni Ansel.

Mapapanood ang full episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMANetwork.com pati na rin sa GMA Network App.