GMA Logo Ina Feleo in 'Bilangin ang Bituin sa Langit'
What's on TV

Bilangin ang Bituin sa Langit: Pagbagsak ng Pamilya Santos | Week 15

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 22, 2021 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Feleo in 'Bilangin ang Bituin sa Langit'


Panoorin ang simula ng pagbagsak ng Pamilya Santos sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit.'

Noong nakaraang linggo sa Bilangin ang Bituin sa Langit, nagsimula na ang pagbagsak ng pamilya Santos dahil sa kagagawan ni Margaux (Ina Feleo).

Nalaman na kasi ni Martina (Isabel Rivas) na hindi niya tunay na apo si Jun (Yasser Marta) dahil anak ito ni Margaux sa labas.

Upang hindi malaman ni Ansel (Zoren Legaspi) ang kanyang sikreto, tinangka ni Margaux na patayin si Martina.

Hindi natuloy ang plano ni Margaux na patahimikin si Martina kaya naman nalaman na rin ni Ansel na niloloko lang siya ni Margaux at may relasyon ito sa ibang lalaki.

Hindi na rin napigilan ni Jun na sabihin kay Maggie (Kyline Alcantara) na hindi sila tunay na magkapatid dahil hindi niya biological father si Ansel.

Dahil dito, tuluyan nang hiniwalayan si Ansel si Margaux dahil sa panlolokong ginawa nito sa kanya.

Panoorin ang huling linggo ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat.

Viewers abroad can also watch the series via GMA's flagship international channel, GMA Pinoy TV. For the program guide, visit www.gmapinoytv.com.