What's on TV

'Bilangin ang Bituin sa Langit,' eere na ulit sa telebisyon

By Dianara Alegre
Published December 7, 2020 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cambodian parliament passes landmark cybercrime law after scam center scrutiny
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Bilangin ang Bituin sa Langit cast


Tapos na ang lock-in taping para sa fresh episodes ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit' at muli na itong eere sa GMA Afternoon Prime ngayong Lunes, December 7.

Eere nang muli sa telebisyon ang Kapuso drama series na Bilangin ang Bituin sa Langit ngayong Lunes, December 7.

Tapos na rin ang ilang linggong lock-in taping para sa fresh episodes ng serye kaya muli nang nakabalik sa kani-kanilang mga pamilya ang cast nito.

Bilangin ang Bituin sa Langit cast

Samantala, ibinahagi nina Zoren Legaspi, Gabby Eigenmann, Mylene Dizon, Ina Feleo, at Kyline Alcantara ang ilan sa mga ipinagpapasalamat pa rin nila sa kabila ng mga hindi inaasahang kaganapan ngayong 2020.

“Very thankful na nag-resume na ulit back to work ang GMA. Isa 'yun sa mga pinaka I think bago natapos 'yung taon atleast nakabalik-trabaho kami,” ani Zoren.

Sina Gabby at Mylene naman, thankful sa nasulit at nailaang oras sa pamilya nitong mga nakaraang buwan.

“Thankful for this wonderful time with family,” ani Mylene.

Sabi naman ni Gabby, “We've been safe. We'll just get through this nang sama-sama tayo. If you're gonna ask if there's still hope, hindi naman nawawala ang hope, e.”

Lagi namang ino-observe ni Ina ang pagpapaala sa sarili ng kanyang mga blessing para patuloy na maging positibo sa buhay.

“You need to be reminded of the simplest things talaga na 'yun ang blessing sa buhay and it's like especially now it's really family,” lahad niya.

Samantala, thankful naman daw ni Kyline dahil nagkaroon siya ng oras para sa maraming bagay at sa kanyang sarili.

“Ako kasi 'yung tipo ng tao na I always look forward. Kumbaga, 'what's my next move?',” aniya.