
Napapanood ngayon sa cute medical rom-com series na My Ambulance ang sikat na BL actors na sina Billkin Putthipong at PP Krit, na nagsimulang umere noong July 10 sa Heart of Asia Channel.
Kasama nina Billkin Putthipong at PP Krit sa nasabing Thai series ang lead actors nitong sina Davika Hoorne, Sunny Suwanmethanont, Wongravee Nateetorn, at Kanyawee Songmuang.
Sa My Ambulance, napapanood si Billkin Putthipong bilang isang doktor, habang gumaganap naman si PP Krit bilang kapatid ni Melissa (Davika).
Bukod sa My Ambulance, bumida ang dalawang aktor sa isa sa pinakasikat na BL series noong 2020, ang I Told Sunset About You, at ang sequel nitong I Promised You The Moon, na nakatanggap ng mainit na suporta mula sa manonood.
Patuloy na subaybayan sina Billkin Putthipong at PP Krit sa My Ambulance, Lunes hanggang Biyernes, 7:20 a.m. sa Heart of Asia Channel. Mapapanood ang replay nito sa kaparehong channel ng 1:40 p.m. at 8:20 p.m.
KILALANIN ANG CAST NG MY AMBULANCE SA GALLERY NA ITO: