GMA Logo Billy Crawford
What's Hot

Billy Crawford, first time sumali sa isang talent competition via 'Dancing with the Stars'

By Jimboy Napoles
Published September 8, 2022 3:05 PM PHT
Updated September 8, 2022 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Billy Crawford


Aminado si Billy Crawford na ramdam niya ang pressure sa pagsali sa 'Dancing with the Stars.'

Lumipad na patungong France ang The Wall Philippines host na si Billy Crawford kasama ang kanyang pamilya para sa kanyang pagsali sa all-star dance competition at TV program na Dancing with the Stars.

Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Billy, ibinahagi niya na ramdam niya pa rin ang pressure sa kanyang naging pagsali sa nasabing programa lalo na't ito ang unang beses niyang sasali sa isang talent competition.

Sa kabila nito, masaya si Billy na maging kinatawan ng Pilipinas upang maipagmalaki at ipakita ang talento ng mga Pinoy.

Kuwento niya, "I'm ready for the challenges to be honest with you. I'm also ready for the experience kasi hindi pa ako nag-jo-join ng competition sa buong buhay ko.”

"It's a new challenge for me and it's an opportunity din na maidala ko ang bansa natin sa ibang bansa para maipagmalaki na kayang-kaya natin na huwag tayong magpatalo sa ibang bansa or sa buong mundo, mga pinoy tayo, malalakas tayo, kayang-kaya natin 'to," dagdag pa niya.

Source: dals_tf1 (Instagram)

Nananalig din si Billy na hindi siya pababayaan ng Diyos sa bagong journey na ito sa kanyang career.

Aniya, "Totoo ang pressure, totoo ang nerves, pero kung wala 'yan siguro ibig sabihin hindi ko mahal ang ginagawa ko. So normal lang na manerbyos ako and bahala na ang Panginoon, He will be guiding me throughout the whole process so I trust and I have faith in Him."

Ang nasabing dance competition ay magsisimula nang mapanood bukas, September 9 sa TF1 na media network sa France. Makakakasama rito ni Billy ang ilan pang mga sikat na dancer at performer mula sa iba't ibang mga bansa.

Samantala, mapapanood din si Billy sa The Wall Philippines, tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG MASAYANG PAMILYA NI BILLY AT NG KANYANG ASAWA NA SI COLEEN GARCIA SA GALLERY NA ITO: