
Hindi naitago ng The Wall Philippines host na si Billy Crawford ang kanyang gulat na reaksyon nang sorpresahin siya ng kanyang asawa na si Coleen Garcia sa kalagitnaan ng kanyang performance kamakailan sa programang Dancing with the Stars sa France.
Sa video na ibinahagi ng fan account na Crawford Squad, makikita na ipinakilala si Coleen bilang isang mystery dance performer sa episode ng programa kung saan nakasuot siya ng pink suit at mask.
Makikita rin sa nasabing video na nagkaroon pa ng dance rehearsals si Coleen para sa kanyang guest appearance at surprise dance performance sa nasabing competition.
Una munang nag-perform ang tandem na sina Billy at ang kanyang partner na si Fauve Hautot gamit ang kanta ni Calvin Harris na "Stay With Me."
Sa kalagitnaan ng kanilang performance, sorpresang dumating si Coleen bilang mystery dancer, laking gulat ni Billy na ang kanila palang makakasama sa performance ay walang iba kung 'di ang kanyang misis mismo na si Coleen.
Bagamat nagulat, the show must go on para kay Billy at dumiretso pa rin sa pagsayaw kasama si Coleen at Fauve.
Sa nasabing episode ng Dancing with the Stars, muling nanguna sina Billy at Fauve sa may pinakamataas na scores na nakuha mula sa judges.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA BILLY AT COLEEN SA GALLERY NA ITO: