GMA Logo Billy Crawford
What's on TV

Billy Crawford, grateful sa bagong proyekto sa GMA bilang coach ng 'The Voice Generations'

By Jimboy Napoles
Published July 12, 2023 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bilihan ng paputok sa Bulacan, dinadayo na; ilang uri ng paputok, tumaas na ang presyo
VPSD, mapasalamaton tungod nahatagan og taas nga panahon nga makauban si FPRRD | One Mindanao
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Billy Crawford


Mapapanood muli sa GMA si Billy Crawford bilang isa sa coaches ng inaabangang 'The Voice Generations.'

Matapos ang kaniyang pagiging host ng The Wall Philippines noong nakaraang taon, muling mapapanood sa GMA Network ang award-winning international performer na si Billy Crawford sa first-ever The Voice Generations sa Asia bilang isa sa mga coach nito.

Nagpapasalamat naman si Billy sa muling pagtanggap sa kaniya ng GMA at sa pagbibigay sa kaniyang ng bagong proyekto.

“Pagkatapos ng The Wall Philippines, sobrang saya ng experience ko rito bilang a Kapuso. Ngayon nandito na naman po ulit ako and with open arms na welcome na naman po ako na napakasarap [sa pakiramdam] so maraming maraming salamat, mga Kapuso. Thank you for having me again sana hindi ito 'yung last ulit,” pagbabahagi ni Billy sa panayam niya sa GMANetwork.com.

Ayon pa kay Billy, isang once-in-a-lifetime opportunity ang maging coach ng isa sa itinuturing na biggest singing competitions sa buong mundo.

“What made me say yes to The Voice Generations? Why say no? 'Yung opportunity para maging coach sa mga talent, that comes once in a lifetime lang so the opportunity is there, grab it,” ani Billy.

Kuwento pa ng award-winning performer, suportado ng kaniyang pamilya ang pagiging coach niya sa nasabing singing competition.

Aniya, “Tuwa naman ang family ko dahil una sa lahat, bumalik na naman ako dito sa channel 7. And pangalawa 'yung family ko ay sobrang supportive kahit anong gawin ako.”

Makakasama ni Billy sa nasabing programa ang iba pang superstar coaches na sina Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at Chito Miranda. Mapapanood din dito bilang host si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios. Mapapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.

Para sa iba pang showbiz and entertainment updates, bisitahin ang GMANetwork.com.

KILALANIN ANG THE VOICE GENERATIONS COACHES SA GALLERY NA ITO: