GMA Logo billy crawford and coleen garcia
Source: billycrawford (IG) and coleen (IG)
What's on TV

Billy Crawford, hindi umabot sa pagsilang ng second baby nila ni Coleen Garcia

By Kristian Eric Javier
Published September 3, 2025 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

billy crawford and coleen garcia


Wala man si Billy Crawford sa panganganak ni Coleen Garcia, present naman ang anak nilang si Amari para sa kaniyang mommy.

Kamakailan lang ay ipinanganak na ni Coleen Garcia ang ikalawang anak nila ni Billy Crawford. Ngunit ang actor-TV host, hindi umano present sa importanteng okasyon na ito.

Sa pagbisista ni Billy sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 2, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang water birth ng panganay nilang si Amari, at tinanong kung ganoon din ba ang ginawa kay Austin. Pag-amin ng The Voice Kids coach, hindi na umabot sa pool ang kaniyang asawa.

Bukod dito, aniya, may isa pang ibang hindi umabot nang ipanganak ang kanilang ikalawang baby,

“Actually, pati ako, hindi na ako umabot. I wasn't there when Austin was born. I was on the airplane on my way back home and 'yun," ani Billy.

Dahil dito, hindi umano siya tinantanan ni Amari sa pagpapaalala na wala siya nang ipanganak ang baby brother nito.

“Araw-araw niya akong sinasabihan, 'You weren't there when Austin was born.' Kaya masakit, masakit magsalita ang anak ko."

Dagdag pa ni Billy, may video sila na hindi mailabas dahil tila nawalan na ng respeto si Amari sa kaniya dahil wala siya nang ipanganak si Austin.

“Sabi niya doon sa video, Amari is turning five. And tumingin siya sa camera, sabi niya, 'Where's Billy?' Nawala na 'yung daddy.”

Ayon kay Billy, sobrang bilis ng mga pangyayari sa panganganak ni Coleen. Noong unang tumawag raw sa kaniya ang pinsan ng asawa, nagle-labor pa lang ang aktres kaya na alam niyang maaaring abutin ng 12-24 hours.

“[A] few minutes later, 'Ate gave birth.' 'Yun 'yung hindi ko alam ang gagawin ko but I just feel so happy, so blessed,” sabi ni Billy.

Related gallery: Billy Crawford and Coleen Garcia welcome second child Austin:

Samantala, napansin naman ni Billy ang pagiging excited na kuya ni Amari, na napakahinahon at sobrang ingat. Sa katunayan, nagpupunta pa umano ang kaniyang panganay sa alcohol station para maghugas ng kamay.

“Pumupunta pa siya sa alcohol, naghuhugas pa siya ng alcohol, ta's ease in to touch the hand, ilalagay ni Amari 'yung daliri niya para gumanun (humawak) si Austin,” sabi ni Billy.

Related gallery: The cutest photos of Billy Crawford and Coleen Garcia's son
Amari