GMA Logo Billy and Amari Crawford
Source: billycrawford (IG)
What's on TV

Billy Crawford, may payo sa mga magulang ng mga batang nais mag-artista

By Kristian Eric Javier
Published September 3, 2025 10:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Billy and Amari Crawford


Nagbigay ng payo si Billy Crawford sa mga magulang na may anak na gustong mag-artista. Alamin dito!

Bilang isang dating child star at ngayon ay dad of two, may payo si Billy Crawford sa mga magulang na may mga anak na gustong pumasok sa showbiz industry ng maaga.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 2, hiningan ni King of Talk Boy Abunda si Billy ng payo para sa mga magulang na may mga anak na gusto nang pumasok sa showbiz industry.

Ani Billy, “Hindi mo mapipigilan. You really can't force something upon your kids. For me, ha? I mean if my sons, if any of them, 'yung choice nila, gusto nilang maging artista, actor, actress, or whatever they wanna be, number one, the support of the parents comes first, no matter what they want.”

Kuwento pa ni Billy, kung tatanungin daw ngayon ang panganay niyang anak na si Amari, sasabihin nitong “When I'm five years old, I wanna be an engineer.”

“So baka sumagip siya sa pamilya namin, maging engineer nga siya at the age of five,” natatawang sabi ng The Voice Kids coach.

Pinag-usapan din nila ang pagiging coach niya sa naturang singing competition para sa mga bata at ayon kay Tito Boy ay mapanghamon ang pagko-coach sa mga bata. Kaya naman, tanong ng batikang host sa kaniya, “May mga pagkakataon ba Billy na at one point, napikon ka?”

“No. Never akong napikon sa bata. I think talo ka kung ikaw 'yung pikon sa bata, honestly,” sagot ni Billy.

Ngunit nang tanungin siya kung napikon na ba siya sa magulang, iba ang naging sagot ng actor-TV host, “There were instances na medyo I've seen the stage parents kasi, 'yung pinupwersa 'yung mga bata na ayaw naman gawin, that happens. And hindi natin maiiwasan 'yan and that's just the culture, that's just showbiz, kahit papaano.”

Panoorin ang panayam kay Billy rito:

TINGNAN ANG ILANG ANAK NG CELEBRITIES NA PINASOK NA RIN ANG MUNDO NG SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO: