GMA Logo Billy Crawford
What's on TV

Billy Crawford, may plano nga bang mag-migrate sa Europe?

By Kristian Eric Javier
Published September 3, 2025 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Billy Crawford


Handa na nga bang umalis si Billy Crawford at kaniyang pamilya para mag-migrate?

Hindi maitatanggi na unang lumaki ang career ni Billy Crawford sa Europe noong mag-release siya ng album doon kung saan ang single niyang “Trackin” ay tinaguriang most successful hit single niya.

Kaya naman, hindi na nakapagtataka na tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 2, kung naiisip ba niyang mag-relocate sa France, kung saan lumago ang karera ni Billy. Pag-amin ng actor-TV Host, napag-uusapan naman nila ito, pero aminado siyang mahirap planuhin ngayon.

“For Coleen din kasi language barrier, culture shock, my son right now is thriving in school, tapos si Austin was just born a few weeks back so medyo it's tough if I make a selfish decision and say 'Ito kasi 'yung career ko, let's move here,'” sabi ni Billy.

Sa ngayon ay masaya lang si Billy na nakakakuha siya ng trabaho sa labas ng bansa sa ngayon, at sinabing titingnan na lang nila ng asawa kung saan sila dadalhin ng panahon. Ngunit paglilinaw ng aktor, hindi naman niya sinasara ang sarili sa posibilidad na ito.

“Hindi sarado 'yung pinto ko to have a place that I can call home as well outside of the Philippines,” sabi ni Billy.

Dahil napag-usapan na rin naman na ang pamilya, tinanong na rin ng batikang host kung sino sa kanila ni Coleen ang may gusto ng malaking pamilya. Sagot ni Billy, pareho nilang gusto iyon.

“In all honesty, ang gusto lang talaga namin was to plan for a boy and a girl, you know, para all done, tapos na. But just by seeing the kids and 'yung relationship nila, just us, we never know, it's really in God's hands, honestly,” sabi ni Billy.

Panoorin ang panayam kay Billy rito:

TINGNAN ANG MAGANDANG PAMILYA NINA BILLY AT COLEEN SA GALLERY NA ITO: