GMA Logo Billy Crawford
Celebrity Life

Billy Crawford, nagbabalik sa Pilipinas kasama ang pamilya ngayong holiday season

By Jimboy Napoles
Published December 14, 2022 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Billy Crawford


Sa Pilipinas napiling mag-celebrate ng holiday season ni TV host Billy Crawford kasama ang asawa na si Coleen Garcia at kanilang anak na si baby Amari.

Nagbabalik ngayon sa Pilipinas ang TV host na si Billy Crawford matapos tanghalin bilang grand winner sa French version ng American TV show dance competition na Dancing with the Stars sa France kasama ang kanyang dance partner na si Fauve Hautot.

Sa isang panayam kay Billy ng GMA entertanment news correspondent na si Nelson Canlas para sa 24 Oras kamakailan, ikinuwento ng actor/host ang ilan sa mga pinagdaanan niya habang nasa kompetisyon gaya na lamang ng mga sugat na kanyang natamo mula sa kanilang rehearsals at performances.

Aniya, “Recovering pa rin, it takes time. I tore my groin, my back, my calf, maraming injuries in a span of three months, pero sobrang blessed naman nakakalakad pa ako, malayo sa bituka.”

Isang post na ibinahagi ni Billy Crawford (@billycrawford)

Nagpapasalamat naman si Billy sa lahat ng bumubuo ng sinalihang kompetisyon at sa mga suporta na kanyang natanggap mula sa kanyang mga kaibigan. Pero para kay Billy, alay niya sa kanyang misis na si Coleen Garcia ang kanyang pagkapanalo.

“Sa totoo lang mas saludo ako kay Coleen, siya ang sumalo ng lahat para kay Amari, like even the times na nandoon ako sa France, nagre-rehearse ako araw-araw for 8 hours minimum, by the time na dadating ako sa bahay patulog na si Amari and si Coleen lahat ang gumagawa,” pagbabahagi ni Billy.

Isang post na ibinahagi ni Coleen Garcia Crawford (@coleen)

Sa Pilipinas ipagdiriwang ni Billy ang holiday season kasama ang kanyang asawa na si Coleen at kanilang anak na si baby Amari.

“There's nothing happier than a Filipino Christmas, nandito ang pamilya, nandito ang pagmamahal, nandito ang mga mahal namin sa buhay so we wouldn't trade it for anything,” ani Billy.

Samantala, nagtapos na rin kamakailan ang game show ni Billy sa GMA na The Wall Philippines kung saan naglaro sa finale episode ang Kapuso stars na sina Andrea Torres at Max Collins.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA BILLY AT COLEEN SA GALLERY NA ITO: