GMA Logo Billy Crawford and Alden Richards
What's on TV

Billy Crawford, nais maging co-host si Alden Richards sa isang GMA show

By Jimboy Napoles
Published August 24, 2022 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Billy Crawford and Alden Richards


Si Asia's Multimedia Star Alden Richards ang isa sa mga Kapuso stars na nais makatrabaho ni Billy Crawford. Anong show naman kaya ang babagay sa kanila?

Tuloy na tuloy na ang pagpapalabas ng The Wall Philippines sa GMA kasama ang nagbabalik-kapuso na si Billy Crawford bilang host nito.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Billy, napag-usapan ang mga posibleng mga proyekto na pwedeng magbukas ngayong muli na siyang mapapanood sa Kapuso network. Isa na rito ang Kapuso star na nais niyang makatrabaho kung mabibigyan ng pagkakataon at ito ay diretsong sinagot ni Billy.

Aniya, "Si Alden [Richards], ang pogi niya e [laughs], 'di ba?"

Paliwanag niya, "Maraming beses ko nang na-meet si Alden. Pero si Alden kasi personally sa tingin ko siya ang isa sa mga pinakamabait at totoong tao na nakilala ko sa industriya."

"Grabe ang kabaitan at kagaling ng taong 'yun kaya hanga ako sa kanya, saludo ako kay Alden at kaya gusto ko siyang maging co-host if ever sa isang show," dagdag pa ni Billy.

Samantala, huling napanood si Billy sa GMA sa programang Move! The Search for Billy Crawford's Pinoy Dancers noong 2007.

Ngayong darating na Linggo, August 28, muling masasaksihan ng maraming Kapuso viewers ang pagbabalik ni Billy sa GMA bilang host ng The Wall Philippines na tiyak na maghahatid ng bagong saya at excitement tuwing Linggo.

Panoorin ang teaser ng inaabangang game show sa video na ito: