
Naghatid ng pangmalakasang performance ang singer na si Billy Crawford sa It's Showtime ngayong Huwebes (March 5).
Sa opening ng naturang programa, pinerform ni Billy ang kanyang bagong kanta na pinamagatang "Bounce That" kasama ang kapwa artist na si Jay Kent. Matapos ito ay masayang binati ni Billy ang Madlang People.
Ayon kay Billy, very blessed siya na nagkaroon muli ng oportunidad na makapaglabas ng bagong music.
Aniya, "Dahil matanda na, kailangan ng mga batang katrabaho para maging maangas ulit. Thanks to Jay Kent, naging maangas ako ulit. Actually si Jay Kent ang nagsulat ng kanta.
"I'm very blessed to have another opportunity para maglabas ng mga bagong kanta and maraming salamat, of course, sa It's Showtime for having me."
Matapos ito, itinuro pa ni Billy sa hosts at Madlang People ang dance steps ng "Bounce That."
Bukod dito, binati rin ni Billy ang kanyang asawang si Coleen Garcia at ang kanilang mga anak na sina Amari at Baby Austin on-air.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: Billy Crawford and his impressive career milestones