
Nagdadalamhati ang host-actor na si Billy Crawford sa pagpanaw ng kanyang ama na si Jack Crawford.
Ibinahagi niya sa social media ang balita tungkol sa malungkot na pangyayari nito lamang Linggo, September 22.
Kasunod ng kanyang post, isang photo naman ang ibinahagi niya sa Instagram Stories.
Makikita rito na na kasama ni Billy ang kanyang ama na si Jack.
Kakabit ng photo ay ang touching message ng host-actor, “I love you so much dad.”
Sa kanyang unang post, mababasa na humingi ng tawad si Billy dahil wala umano siya sa tabi ng kanyang ama nang mamaalam na ang huli.
Samantala, si Billy ang isa sa mga coach ng The Voice Kids. Mapapanood ang kinabibilangan niyang programa tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA-7.