
Nagbalik ang host at singer na si Billy Crawford sa It's Showtime nitong Lunes (February 17) at napanood siya sa segment na “Hide and Sing.”
Ang celebrity dad ang nagsilbing celebrity singer sa nasabing segment ng noontime variety show. Matapos ang reveal na ito, nagkaroon ng masayang reunion ang tandem ni Billy at kaibigan niyang si Vhong Navarro.
Ipinamalas ng dalawa ang kanilang smooth dance moves sa awiting “True” ng '80s New Wave band na Spandau Ballet sa stage.
Noong January 2024, matatandaan na bumisita si Billy sa programa at pinerform ang ilang iconic dance moves nila ni Vhong para sa birthday production number ng huli. Napanood din si Billy sa “Magpasikat 2023,” kung saan ikinumpara ni Vice Ganda na tapos na ang kanilang long-time feud.
Matatandaan na naging bahagi noon si Billy Crawford sa It's Showtime bilang isa sa hosts ng programa.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
TINGNAN ANG BEAUTIFUL FAMILY NI BILLY CRAWFORD SA GALLERY NA ITO