GMA Logo buboy villar
Celebrity Life

"Bilyon na bahay" ni Buboy Villar, nasalanta ng bagyong Ulysses

By Cherry Sun
Published November 19, 2020 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

buboy villar


Na-trauma daw sa pananalanta ng bagyo si Buboy Villar nang maranasan niya at ng kanyang pamilya ang lupit ng bagyong Ondoy noon.

Matapos gumawa ng kanyang “$1 billion” house tour, hindi akalain ni Buboy Villar na ang kasunod niyang vlog ay tungkol sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa kanilang tirahan.

Buboy Villar

Biglaang gumawa ng vlog ang Owe My Love star upang ipasilip ang sitwasyon sa kanilang bahay sa gitna ng kasagsagan ng bayong Ulysses.

Tinakpan ni Buboy at ng kanyang pamilya ng tarapal ang kanilang bintana upang hindi sila pasukin ng ulan.

Sinuportahan din nila ng lubid at alambre ang mga poste ng kanilang tahanan para hindi raw ito bumigay dahil sa malakas na hangin na dala ng bagyo.

Pag-amin ng aktor, “So mga bok, medyo may problema ngayon.

"May trauma kasi ako sa mga ganitong mga bagyo-bagyo kasi nabagyo na rin kami dati sa Ondoy, kaya nakakatakot din.

"Although sa amin, nandito kami sa may taas pero nakakatakot na baka mawalan kami ng bubong.”

Hindi man nila napaghandaan ang pananalasa ng bagyong Ulysses, masuwerte pa rin ang turing ni Buboy sa kanilang pamilya dahil iyon lang daw ang kanilang iniinda habang mas marami ang tiyak na mas sinusubuok ng sama ng panahon.

Paalala rin niya, “Sa mga panahon na ganito bok, kailangan lagi tayo handa 'no.

"Kailangan lagi tayong aware sa mga nangyayari [sa atin] kasi hindi natin alam… katulad nito, hindi kami handa, bigla palang ganito.

"Hindi kami nakapag-ready para sa mga bintana namin.

"Biglang nagwawala 'yung panahon kaya kailangan mag-iingat tayo bok kasi 'yung ang pinakaimportante.

"Siyempre, 'yung mga pamilya natin lalo na 'yung mga bata siyempre importante bok.”

Kinabukasan, ikinuwento ni Buboy na nawalan sila ng kuryente at tubig ngunit nagpapasalamat pa rin siya.

May mensahe rin siya para sa mga nasalanta at pati na sa mga may kakayahang tumulong.

Aniya, “Ipinagdadasal ko lahat ng mga nasalanta. Nawa'y sana makaahon tayo. Move forward tayo.

"Although hindi naman itong video na 'to para malungkot tayo 'no.

"Ako naranasan ko rin dati sa Ondoy, grabe talaga. Delikado rin pero wala tayong magagawa, e.

"Sa mga ganito kailangan natin i-chill 'yung utak natin.

"Brownout? Okay, brownout na. Walang tubig? Okay, walang tubig.

"Baha na sa iba't ibang lugar. Awa ng Diyos, safe 'yung family ko, 'yung anak ko din.

“So bok, lagi po nating taandaan lagi po tayong mag-iingat 'no.

"Ipinagdarasal ko po lahat at titignan po natin kung ano po 'yung matutulong natin sa mga nasalanta, mga bok.”

Panoorin ang kanyang vlog dito:

EXCLUSIVE: Buboy Villar, nagsalita na tungkol sa paghihiwalay nila ni Angillyn Gorens

IN PHOTOS: Buboy Villar and Angillyn Gorens's relationship timeline