GMA Logo Bimby Aquino
Source: krisaquino (IG)
What's on TV

Bimby Aquino on Kuya Josh: 'I can't live without him'

By Kristian Eric Javier
Published October 30, 2026 1:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Who was Patrick Stewart? ‘Star Trek’, ‘X-Men’ actor dies at 86 | GMA News Feed
Thai GL stars serve spooky Halloween looks
Chika Cart: Iwa Moto, inalala ang si Jodi Sta. Maria bilang sandigan sa kaniyang mental health journey at blended family

Article Inside Page


Showbiz News

Bimby Aquino


Ibinahagi ni Bimby kung bakit malaking bahagi ng kaniyang buhay at mga magiging desisyon sa hinaharap ang pag-aalaga sa kaniyang Kuya Josh.

Naging usap-usapan ang pahayag ni Bimby Aquino na ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa kaniyang kuya na may special needs sa Fast Talk with Boy Abunda.

Sa episode ng programa nitong Huwebes, October 29, sinabi ni Bimby na matagal nang sinabi sa kaniya ng inang si Kris Aquino at ng mga taong malapit sa kanilang pamilya na siya ang mag-aalaga kay Josh kapag wala na ang Queen of All Media.

"My mom has always ingrained in me that when she's gone, I have to be the one to take care of my brother, and everyone really told me na 'When your mom's gone, you really have to be the one to step up and make sure na he's okay,'" ani Bimby.

Kaugnay nito, nang mapag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa at ang babaeng maaari niyang maging girlfriend o mapangasawa balang araw, ipinunto ni Bimby na mahalagang tanggapin nito si Josh.

"Going back to the wife topic, if my wife doesn't accept my brother, no na. I really can't handle that. I can't live without him. Sometimes he can live without me, but I can't live without him."

Ibinahagi rin ni Bimby na may mga pagkakataong magkakatabi pa rin silang matulog nina Kris at Josh sa iisang kama. Ngunit nitong mga nakaraang panahon, pansamantala munang nakahiwalay si Josh upang masigurong nakakapagpahinga nang maayos ang kaniyang ina.

"But when everything's serene and zen, that's when I'm happiest talaga," dagdag niya.

Samantala, dahil sa kaniyang maraming autoimmune conditions, tanggap na umano ni Kris ang posibilidad na isang araw ay hindi na siya magising mula sa pagtulog. Ang tanging hiling niya ay huwag mangyari iyon habang kasama niya si Bimby.

"This has been going on with me for five and a half years, and for someone as young as him, that's too much. So ako talaga, sana when it's time, I don't want to die at home. I would like to be in the hospital, and I hope to make it to 60," sabi ni Kris.

Isa rin sa mga hiling ni Kris ay huwag kalimutan ni Bimby ang mga paalala niya hinggil sa responsibilidad niya sa kaniyang Kuya Josh.

Sa kabila nito, ipinagmamalaki ni Kris ang matibay na samahan ng kaniyang dalawang anak.

"What I can be proud of, though, is that I've never felt na magkaiba silang tatay. You would never see that in the way they treat each other. Talagang nagmamahalan sila. Nagkakatampuhan din sila, and nakakabiyahe sila nang silang dalawa lang. I'm so proud that Bimb is already that responsible, and I'm very, very blessed that the two boys are happy where we are," ani Kris.

RELATED GALLERY: Kris Aquino's 'bunso' Bimby is now a big boy!