Article Inside Page
Showbiz News
Isa sa mga promising talent ng GMA Artist Center ay ang former college basketball star na si Juancho Trivino. Regular ang aktor sa 'Bubble Gang' at hindi katakataka na ang kanyang paboritong segment ng show ay ang 'Binatilya'.
BY AEDRIANNE ACAR

Isa sa mga promising talent ng GMA Artist Center ay ang former college basketball star na si Juancho Trivino.
Miyembro siya dati ng basketball varsity team noong college days niya sa La Salle Canlubang, where he took up Business Entrepreneurship. Hindi man pinalad ang
Bubble Gang hunk na pasukin ang mundo ng pagiging professional basketball player ay nahanap naman niya ang landas patungong showbiz. Noon pa man daw nag-aaral siya ay kinahihiligan na niya ang teatro, dahil nag-enjoy daw siya mag-direk ng mga school play.
Maganda din ang takbo ng career ng Kapuso actor with the different projects he bagged sa GMA-7 tulad na lang ng
Teen Gen,
Villa Quintana at siyempre regular na siya sa longest running gag show on TV, ang
Bubble Gang, which will be celebrating its 19th anniversary this October 24.
Itinuturing ni Juancho na blessing na mapasama siya sa cast ng
Bubble Gang at nakakatrabaho niya ang tulad nila Michael V, Antonio Aquitania at Paolo Contis na pawang beterano na at mahusay daw pagdating sa pagpapatawa.
“I feel blessed masayang-masaya ako na part ako nung
Bubble Gang at natuturuan kami nila Kuya Bitoy [Michael V], nila Kuya Tonio [Antonio Aquitania], Kuya Pao [Paolo Contis] ayun at may regular work ako, that’s really a blessing for me”
Dagdag pa ni Juancho, memorable daw lagi ang mga taping nila sa comedy gag show, lalo na kapag ginagawa daw nila ‘yung segment na
Binatilya with Boy II Quizon.
“Paborito ko ‘yung ‘Binatilya’ group of friends kami with Kuya Dos na parang nagbibinata na bakla. Paborito ko ‘yun kasi masaya gawin.”