
"I went from leading roles, to sister roles, to mother roles—which I don't mind because it comes with age, to no roles at all because I was too big to be onscreen." - Bing Loyzaga

Kilala ang aktres na si Bing Loyzaga bilang isa sa pinakamagagandang aktres ng kanyang henerasyon. Ngunit dahil sa sakit niyang hypothyroidism, nadagdagan nang nadagdagan ang kanyang timbang.
Dahil dito, naranasan niyang palitan sa isang show dahil sa kanyang bigat.
MUST-READ: Aubrey Miles finally reveals how she lost all her pregnancy weight
"I went from leading roles, to sister roles, to mother roles—which I don't mind because it comes with age, to no roles at all because I was too big to be onscreen," pahayag niya.
Naging malaking dagok daw ito sa self-confidence ni Bing. Pinili niyang manatili sa bahay para hindi muna magpakita sa kanyang mga kaibigan.
Ibinahagi niya ang lahat ng ito sa piling miyembro ng media sa press conference ng ng Marie France kung saan ipinakilala siya bilang bagong endorser ng sikat na slimming center.
Nagsimula siya ng treatment sa Marie France noong December, at 30 lbs. na ang naibawas niya sa kanyang timbang simula noon.

"I feel really good! I feel healthy. More than anything, since I have hypothyroidism, I really feel fortunate that I can live a healthy life, even if I have my sicknesses with me," nakangiting kuwento nito.
Inamin din ni Bing na minsan na niyang sinubukan ang liposuction.
"I did that when I was in my 30s because I wasn't sick then. I didn't have hypothyroidism and I didn't have hypertension. When you see yourself in the mirror, it's like wow, half! Talagang magic! Parang natulog ka lang and it was a bad dream. Paggising mo, payat!" bahagi niya.
READ: "Kailangan ko ng sumaya ulit sa katawan ko": Lauren Young on losing weight
Instant niyang nakita ang resulta, ngunit instant din ang naging pagsisisi ni Bing.
"Pero pagligo mo, tanggalin mo 'yung binders, that's when you see all the bruises. That's when I felt bad for the decision I made. Why did I put myself in this [situation]? And I did it twice!" pagpapatuloy niya.
Ibinagi din niya ang ilang detalye na maaaring hindi alam ng ibang taong nais sumubok ng liposuction.
"May leakage. The leakage is not one day lang, ilang gabi. That's the anaesthesia coming out din from the holes," paliwanag ni Bing.
"Even na mawala na 'yung bruises mo, may sugat ka pa rin. May tatak ka. I still have them. Luckily hindi ako ma-keloid pero I still have them," dagdag nito.
Matapos ang ilang buwan ng slimming treatments kasama ang mga doktor, nutritionists, slimming consultants at iba pang therapists ng Marie France, bumalik na din daw ang kanyang self-confidence.
"I feel a lot lighter. I went to Pinatubo with my kids, trekking. Kaya ko. There are a lot of changes, more on the family side. I get to enjoy them more because I don't feel bad for myself," aniya.

READ: Louise delos Reyes battle against weight gain
Supportive naman kay Bing ang kanyang asawang si Janno Gibbs.
"I'm so proud of Bing! I am witness to all her struggles. I am in awe of the dedication she has put in to get herself in fighting form again. I'm excited to see her onscreen again doing what she does best—acting. Personally, I love her in any shape or form. Through thick and thin—literally," sulat ni Janno nang hingan siya ng pahayag ng GMANetwork.com.
MORE ON BING LOYZAGA:
Janno Gibbs' sweet birthday message for wife Bing Loyzaga
Secrets of successful showbiz couples