GMA Logo bini anne curtis magpasikat 2024
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

BINI, nakasama sa Team Anne, Jugs, and Teddy sa 'Magpasikat 2024'

By Dianne Mariano
Published October 24, 2024 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga kawatang nakasakay sa motorsiklo, mala-'fast and furious' ang pag-atake sa bus sa India
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry Finals 
How mindful living shaped Maxene Magalona's personal healing journey

Article Inside Page


Showbiz News

bini anne curtis magpasikat 2024


Ang Nation's Girl Group na BINI ay kabilang sa special guests sa 'Magpasikat 2024' performance ng Team Anne, Jugs, at Teddy sa 'It's Showtime.'

Pasabog ang performance ng Team AJT, o Anne, Jugs, and Teddy, sa ikaapat na araw ng “Magpasikat 2024” sa It's Showtime.

Ipinakita sa performance ng naturang grupo ang core memories ng noontime show sa loob ng 15 years.

Ipinamalas ni Anne Curtis ang kanyang dance moves sa stage habang guitar at dance performance ang hatid nina Jugs at Teddy sa stage.

Kabilang naman sa special guests ng Team Anne, Jugs, and Teddy ang Nation's Girl Group na BINI. Inawit ng eight-member ensemble ang kanta nilang “I Feel Good” at nakisaya pa sa kantahan at sayawan sina Anne, Jugs at Teddy kasama ang iba pang performers.

Ikinuwento naman ni Anne ang tungkol sa nabuong konsepto ng kanyang team.

“We just really wanted to talk about the core memories of [It's] Showtime,” ani ng actress-host.

Dagdag pa niya, “Parang it triggered something within us to come up with a concept to celebrate the core memories of [It's] Showtime sa 15 years. Kapag pinanood mo kasi 'yon, you'll see us grow up together, have fun. Wala tayong ginawa kundi magpasaya ng tao, and, at the same time, making each other happy as well as a family. So that triggered creating core memories with the Showtime family.”

Agad namang naging trending topic sa X (formerly Twitter) ang #Magpasikat2024AnneJugsTeddy at #BINI dahil sa husay at ganda ng kanilang performance.

Samantala, mapapanood sa Biyernes, October 25, ang "Magpasikat" performance ng Team Jhong, Jackie, at Cianne.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.