
Habang tumatagal ang pagsasama sa set ng Binibining Marikit stars na sina Herlene Budol, Tony Labrusca, Thea Tolentino, at Kevin Dasom ay nagiging close na sila.
Patunay diyan ang masaya nilang bonding sa Kapuso Mall Show noong Linggo, March 30, sa SM City Manila.
Nag-time out muna sila sa drama at iyakan para sa i-entertainment ang kanilang fans.
Ayon kay Kevin, wish niya na maka-hang out ang kanyang co-stars nang mas madalas. "Hopefully, we can hang out more," sabi ng Thai-Irish actor sa 'Chika Minute' report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
Kaya naman nagpapano na sila ng summer hiking na malapit naman sa kanilang taping location sa Rizal.
Ayon kay Herlene, magbe-break muna sila sa kanilang matitinding eksena. Sa serye, maghihiganti na ang karakter niyang si Ikit nang mamatay ang ama niyang si Gani (Cris Villanueva) matapos silang ma-scam ng mag-inang Rica (Almira Muhlach) at Angela (Thea Tolentino).
Ika ni Herlene, "Gagawin namin 'yun dahil gusto naming huminga."
Panoorin ang ulat:
Mapapanood ang Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m. sa GMA-7 at Kapuso Stream.
RELATED CONTENT: Kapuso celebrities at ang kanilang favorite summer destinations