
Talaga namang nakakagigil ang mga tagpo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Binibining Marikit.
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series noong Biyernes, May 2, napahiya si Ikit (Herlene Budol) sa isang masquerade ball dahil kay Angela (Thea Tolentino).
Pilit na sinira ni Angela si Ikit sa harap ng mga investor ng resort and casino na ipinapatayo ng pamilya ni Matthew (Kevin Dasom).
Dinumihan din ni Soraya (Pinky Amador) ang reputasyon ni Ikit kay William dahil isa ito sa mga kumontra sa proyekto sa kanilang lugar.
Nakisimpatiya naman ang isang babaeng nakamaskara kay Ikit dahil sa sinapit sa ball.
Nagpakilala ang babae bilang Pia (Klea Pineda) na dating kasintahan ni Matthew. Gusto niyang makipagbalikan sa kanyang ex pero nanindigan si Matthew na siya ay naka-move on na.
Balikan ang nakaraang episode ng Binibining Marikit sa video sa itaas.
Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.