
Mas kapana-panabik ang kuwento ng Binibining Marikit lalo pa at napapanood na ang mga eksenang kinunan sa Japan.
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series noong Martes, March 11, may nakilala si Ikit (Herlene Budol) sa Japan bago pa man niya mahanting ang boyfriend niyang foreigner na pinaniniwalaan niyang nang-scam sa kanya.
Nakilala ni Ikit si May, ang kapwa niya Pinay na nagsalba sa kanya mula sa pagbabayad sa restaurant na kinainan niya.
Nagkagaanan agad ang loob ng dalawa kahit unang beses pa lang nilang magkita.
Pinasyal din ni May si Ikit sa ilang atraksyon sa Japan at inihatid din sa tinutuluyan nitong hotel.
Abot-abot naman ang pasasalamat ni Ikit kay May sa tulong at kabaitan nito.
Ano kaya ang kapalaran ang naghihintay kay Ikit sa Japan?
Patuloy na subaybayan sa Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.