
Bumubuhos ang luha sa hapon dahil sa mga maiinit na eksena sa Binibining Marikit.
Sa nakaraang episode ng GMA Afternoon Prime series, tila pinagsakluban ng langit at lupa si Ikit (Herlene Budol) nang mawala nang parang bula ang perang pinahiram niya sa ka-chat niyang foreigner na si Viktor.
In denial pa si Ikit sa panloloko ng kanyang "AFAM" na boyfriend dahil nahulog siya sa mga matatamis nitong salita. Hindi tuloy niya alam ang gagawin dahil sa dating app lang sila nag-uusap. Lingid pa sa kanyang kaalaman, hindi totoo si Viktor dahil gawa-gawa lang ito nina Angela (Thea Tolentino) at Brandy (Migs Almendras).
Hindi makapaniwala si Ikit na hindi totoo ang kanyang AFAM lover at na-love scam lamang siya.
Maliban sa pagiging heartbroken ay malaki rin ang pagsisisi ni Ikit sa agaran niyang pagbuhos ng kanyang pera at pagmamahal sa AFAM boyfriend na peke pala.
Dismayado tuloy ang kanyang amang si Gani (Cris Villanueva) at ang kanilang mga empleyado dahil ang sahod nila ang ginamit ni Ikit na ipangutang kay Viktor.
Mabisto na kaya ni Ikit sina Angela at Brandy? At mabawi pa kaya niya ang perang nawala? Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
Herlene Budol, may inamin sa 'Binibining Marikit' mediacon: 'Napakasuwerte ko'