
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit noong Biyernes, May 16, nagluluksa si Matthew (Kevin Dasom) sa pagkamatay ng kanyang ama na si William (Rob Rownd). Labis din ang lungkot ni Drew (Tony Labrusca) dahil ito na rin ang tumayong ama niya.
Dinamayan sila ni Ikit (Herlene Budol) pero minasama pa ito ni Soraya (Pinky Soraya) na siyang mastermind sa pagpatay kay William.
Pilit na sinira ni Soraya si Ikit sa mga empleyado ng resort at maging kay Pia (Klea Pineda) na abogado ng huli.
Binaling ni Soraya ang krimeng ginawa niya kay Ikit para ang dalaga ang pagbintangan dahil ito ang huling nakakita kay William na duguan sa kanyang opisina.
Samantala, inutusan ni Angela (Thea Tolentino) ang tauhan niyang si Bogs na patayin si May (Pokwang) habang sila ay nasa tulay para mapatunayan nito ang loyalty nito sa grupo.
Nang barilin ni Bogs si May, nahulog ito sa tulay ngunit hindi na ito nakita ng mga tauhan ni Angela. Nakaligtas kaya si May?
Patuloy na subaybayan ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
The fashionable fits of the cast of Binibining Marikit